Tuesday, June 29, 2010

Banapple finally!

I had to meet somebody at Katipunan Ave for a friend.
Ang layo, diba?

But when my contact says "Ang 206 Katipunan, katabi nya ay Banapple Cafe"
Ha! cool. Glenn and I have been wanting to try this Banapple kaya lang milya milya ang layo from where we live. So, parang naging date na nmin yung lakad namin.

Good thing Jonjon was available, sinamahan nya kami. He knows where Banapple is.
We arrived at the Cafw 130PM, the place is still packed.

bana1

I had Hickory Smoked Barbequed Country ribs
Liked it!

bana2

Glenn had Penne Bolognese

bana5

Banoffee Pie and Two Nut caramel cheesecake for dessert
Banoffee pie is so good =) winner!
We were kind of disappointed with the cheesecake. Pero syempre we have to consider thats its only P80.

bana3

All these plus 2 homemade iced tea is only P580!

bana4

We will go back sometime with the HS berks hopefully.

Wednesday, June 23, 2010

Package

Dont you just love to receive a balikbayan box?
We received a box last Monday from MIL.
Nagkataon on leave si Glenn, so we opened it together.
Ang saya saya talaga magunbox.

I remember when i was a kid, talaga naman tantyado namin ang arrival ng box galing kay Tita from Saudi. Tipong paguwi from school, titingnan nmin pag meron ng box. Tapos hintayin nmin dumating si mami from the office para buksan na yung box.

Hahaha....ofcourse we would peak on what she gave to whom. hahaha.
Kaming tres marias (3 little girls na magpipinsan) would get dolls. Pare-pareho na ngang doll, iniba lang ang kulay ng damit, nagiinggitan pa. hahaha.

Anyway, i was in awe unpacking all the grocery stuff.
Natawa ako nung nakita ko tong picture nato sa camera.
Here i was, counting the stuff.
pkg1

pkg2

Of all these stuff, eto ang the kinalokahan ko...

Pepper
pepper

Ano bang meron sa pepper na to, bakit galak na galak ako pag makakakuha ako nito. I really dont know.

Ofcourse, this comes second only to......

pkg3

Waaaaahhhh.....nakakaloka!

Thanks MIL =D

Tuesday, June 22, 2010

Sabado Nights with Glenn

Glenn and I look forward to Saturday nights kasi movie time namin yun.

Umaga palang ng Saturday, iniisip na nya ano ang panonoorin namin para madownload na nya (oh come on, para namang hindi kayo nagdodownload!)

 

Almost always, id be asleep first half palang ng movie.

Tapos kinabukasan, tatanungin ko kung anong nangyari…tapos pipilitin ko sya panoorin naming ulit.

Iron Man lang yata yung hindi ko kinatulugan.

 

Dapat pasalamatan ng movie industry ang Facebook.  Kasi dahil puro tungkong Toy Story 3 ang shoutouts ng mga kaibigan ko, nacurious tuloy ako.

I guess hindi lang sakin nangyari to.  Kasi syempre, gusto ko makarelate diba…

 

So before watching Part 3, panoorin muna ang Part 1 and 2.  Toy Story 1 ang film showing namin nitong Saturday (syempre hind ko natapos), watched Part 2 the following day.

Kaya Sunday night, pinanood narin namin ang Toy Story3 sa SM Rosario.  I enjoyed the film.

Nakakalungkot nga para sa toys na ilagay lang sila sa box, dapat pakinabangan sana ng iba.

Glenn has a box full of action figures and memorabillas.  Idonate ko kaya?

 

Ei, ano pang magandang movies, para iqueue namin sa sched namin.

Ayaw ko na ng documentary ng mga global warming ha,  umay na.

Sunday, June 20, 2010

Jimenez MTV - I got a feeling

Jimenez cousins (pinsan ko sa kapatid ni Mami) prepared an MTV for mom's birthday.
Dapat ay sasayaw kami sa party.. pero haller!

So eto ang kinalabasan.
1 week ko na tong paulit-ulit pinapanood. Tuwang tuwa ako.
It reminds me how fun it is to be with my cousins. Solid!

This video was edited by cousins Jay and Philip manialong. Good work =)

Happy Fathers Day Master!

Happy Fathers day to all dads out there, sa kapatid ko,lolo,tito, pinsan, inlaw,officemate,bossing,kaberks..lahat. Especially kay Master1 =D

Naku Master1, kung alam mo lang ang depression ko nitong April-May dahil sa issue na mataas ang PSA mo.
Lalo na nung sinabi na ibiopsy ka, pang Oscar ang pagemote ko.
OA na kung OA. Eh sa nakakadepress eh.

Kaya nung lumabas na ang biopsy result na Benign… waaaahhh..salamat Lord.
Parang nadeflate ang laman ang utak ko. Parang refreshed na refreshed. =D
God is so good.

Thank you sa lahat. Miski masungit ka ng doble sakin, carry pa naman kita.
I always look forward sa noon shift mo…kasi maihahatid mo ako sa office everyday at magkakabonding tayo miski 15minutes.
Miski 15minutes lang yun, sari-saring emosyon na ang nadadanasan ko.
1. Stress. Kasi kung kalian naman ihahatid mo ako, mas maaga ako umaalis dahil nagmamadali ka. Naliligo palang ako, meron ka ng kagayak na isasabay pa-epza
2. Stress. Hanggang ngayon hindi parin ako sanay sa pagdrive mo.
3. Stress. Sa mga reklamo mo sa mga corrupt na politiko
4. Stress. Sa pagfollow-up mo sa gate pass ng Epza

Napaka stressfulnaman palang magpahatid sayo. hahaha
Kidding aside, naeenjoy ko parati ang bonding natin nato.

Infairness ha…nagiging showy ka na. hahahaha.

Photobucket

Saturday, June 19, 2010

Office Partition

Lumelevel-up ang office namin, naglagay ng cubicle partition na bonggang bongga ang dating.
At ang chair... todo pwedeng irecline to the max.

So major changes din sa seat plan.
Waah..katabi ko si bossing. At ang position ng monitor ko ay tipong kitang kita ni bossing. So, its goodbye Facebook. hahaha. Naglolokohan nga kami sa office, masosobrahan daw ako sa aral nito. hahaha.

Ang hindi ko talaga carry ay wala akong makausap! Natatransform na ako maging introvert!

Tuesday, June 15, 2010

Patrice's first day in school

Pinasok sya as saling pusa sa kanto ng Noveleta.
Okay, we know she's just 3, too early for school perhaps.
Kasi diba nga naaawa kami na walang kalaro si Patrice, baka naman maenjoy nya ang pagpasok. Testing lang.

Ate Patty came home na memory full na yung 2Gig memory stick ng camera. hehehe.
Parang hindi ko narin namiss ang first day ni Patrice sa dami ng videos.
Behave naman sya. Kaya lang, hindi sya makasunod. When the teacher says "tumayo" deadma sya. Kasi ang alam nya "dadup" or stand-up. tsk..tsk

Uhm..meron sumabunot sa kanya, pero hindi ko papatulan, kasi anak ng pinsan ko! hahaha.

Of all the videos, eto yung sobrang naantig (i can t find the correct adjective)

Bago maguwian, nakita ni Patrice yung mami nya sa pinto. Kaya pumunta sya sa pinto at hinahanap ang mami nya. Gosh, paiyak na sya. Patrice seldom cries, hindi kami sanay na makita syang paiyak/umiiyak. Kaya pag naiyak sya talgang natataranta na kami.




I wonder kung hindi toyoin ito pumasok bukas.
Im looking forward to 4PM kasi tatawag ako sa bahay para kamustahin ang aming studyante.

Im back!

Its been a while nung huli akong magblog.
Ive was busy preparing for mom's 60th party.
Ngayon tapos na, im back to my old self.


Ewan ko ba, pinagkaubos-ubos ko na naman ang oras ko kakagawa ng AVP ni mami using Flash Macromedia. Ive told myself before i wont use it because there are a lot more simpler software...pero matigas ang ulo ko.


Ay naku, super nastress ako sa event na ito. Much stressing kaysa noong wedding ko.
Kasi noong wedding ko, hindi naman ako nakadress. Waaaah!


Its so funny, last minute na nung nagdecide ako na sige na nga, makapagdress na. Baka makareceive na ako ng hate mail from Almira pag nakita nya yung pictures eh. hehehe

Saturday Glenn and I went to SM Bacoor, syempre wala kaming mabili.
So dumiretso kami sa Glorietta.
Syempre ang stress sa dress..with matching stress sa shoes!

Sa dress...
Hindi pwede ang mahaba, kasi maliit lang ako.
Hindi pwede ang pencil cut, kasi walang balakang
Hindi pwede ang sleeveless, kasi malaki braso
So...parang dapat talaga mag pants nalang ako no?

Fortunately we found something at Glorietta. It actually looked dull, pero the owner hands me a belt, so medyo naging OK. Ang laki palang tulong ng belt no?

Hindi ko muna binili ang belt kasi maghanap-hanap pa ako ng ibang color
Sapatos naman....Bumalik kami dun sa pinagbilhan ko ng wedding shoes because they have size 4.5
Ofcourse i didnt have the liberty to choose.
Whatever style has size 4.5....patingin.
Nakakaloka kasi malaki parin ang 4.5!.
Nilagyan ng cork - malaki parin
Dagdagan nalang ng cork ulit.
Tsk..tsk..tsk..

Glenn tells me to try the dress again pag bumili ako ng belt. Napaka OA talga ni Glenn. Ay naku, ayoko na. So bumili lang ako ng belt.

The day of the event, nung sinukat ko na ulit.
Jamie: Glenn, hindi ko yata talaga kaya magdress. Ayaw
Glenn: Ahhhh...pinagod pagod mo ako kahapon, tapos hindi mo yan isusuot. Hinde, isuot mo yan

Pero ang halay ng belt na napili ko. Buti meron belt si MIL sa kwarto nya. =D
Hmmm... it wasnt so bad naman.

Im still working on the blogspot im creating to put there the AVP/videos from mom's birthday, kaya magpakasilent mode ulit ako until next week.

Btw, super saya ng birthday ni mami =D

Friday, June 4, 2010

Livestream local shows

Im loving Happy even more.

Im usually at the dirty kitchen, walang TV dun.
Last night, I cooked after Glenn left for work, so it was silent at home. Except sa pangungulit nitong dalawa

Abeng told me of this website where there is livestream for most local shows.
http://www.pinaychannel.tv/

Ang saya saya!
So ngayon, i can watch tv while cooking, while taking a bath (yup, i do that, pero usually pinakikinggan ko), in the bedroom...everywhere!

Yung sa TFC, lahat ba ng shows ng ABS andun, parang ibang format yun ano?
Ahh....para malaman ko, maghanap ako ng livestream ng TFC? heheheh